Isinusulong ng tanggapan ng Land Transportation Office Regional Office 1 ang pagsunod dapat ng mga motorista sa responsible driving habits at mga kaalaman ukol sa ligtas na pagbiyahe sa kakalsadahan.
Ito ay aksyon ng tanggapan sa nakakaalarmang bilang ng mga naitatalang road accidents sa rehiyon kung saan nasa tatlumput tatlo ang average ng road crash fatalities araw-araw.
Dapat umano na bigyan ito ng aksyon dahil nakakaalarma ang ganitong pagkakatala ng mga insidente sa kalsada.
Ayon din kay officer-in-charge supervising transportation regulation officer ng LTO Dagupan City, Romel Dawaton, may kinalaman ang kakulangan kaalaman ng mga ilang motorista pagdating sa batas trapiko at kung paano ito nagiging isa sa dahilan rin ng mga aksidente.
Bilang tugon na maibsan ang bilang ng naitatalang road incidents, nagsasagawa ng mga seminar at orientation ang LTO tulad ng katatapos lamang na nationwide simultaneous free theoretical driving course program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨