𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗕𝗔𝗡𝗞 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗕𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔

Nakatakda bilang susunod na proyektong isasagawa ang isang Riverbank Protection na mapapakinabangan ng ilang barangay sa bayan ng Mangatarem.

Ayon sa alkalde ng bayan, ang malaking infrastructure initiative na ito ay may layon na maiangat pa ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente lalo pagdating sa baha.

Makatutulong ang naturang proyekto na mapagtibay pa ang mga riverbank para maiwasan ang erosion, makakaimplementa rin ng epektibong flood control measures, at masiguro ang kaligtasan ng mga residente tuwing may malakas na ulan at bagyo.

Ang pondo naman sa naturang proyekto ay mula sa sponsorship ni Congressman Mark Cojuangco na na siyang nagkakahalaga naman ng ₱400 million.

Magsasagawa naman public hearing, consultation, at discussion ukol sa naturang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments