𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Pinaigting pa ng iba’t ibang ahensya tulad ng kagawaran ng kalusugan ang kampanya sa pag-papaigting ng road safety sa ilocos region.

Isa sa inisyatibo ng DOH ay panghihikayat nito sa mga inter-agencies ng collaborative effort para mapagtibay pa ang road safety sa rehiyon.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro J. Herbosa, dapat na naka-align sa five pillars of road safety bilang tamang pamamaraan ng inisyatibo.

Layon ng limang pillars na ma-iangat pa ang access sa pre-hospital care,trauma care, at rehabilitation for road crash victims.

Ayon naman kay Ilocos Center for Health Development Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, sa pagtutulungan ng mga ahensya para magsagawa ng collaborative effort pagdating sa road safety initiative ay makatutulong sa magkaroon ng ligtas na kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments