
Cauayan City – Kabi-kabilaang road concreting, road reconstruction, at road reblocking ang tinututukan sa lungsod ng Cauayan, kabilang na rito ang Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Darwin Tolentino, kapitan sa nabanggit na lugar, ngayong taong 2026, ang pagsesemento sa mga kalsada pa rin ang isa sa kanilang priority project.
Aniya, kasalukuyan ngayon ang road concreting project sa Purok 7 sa kanilang barangay. Malaking tulong dahil tuwing panahon ng tag-ulan, panget at talagang nababaha ang bahaging ito ng kalsada.
Dagdag pa ng kapitan, malaking tulong para sa mga residente ang ganitong proyekto lalo na sa mga magsasaka na nagbi-biyahe ng kanilang produkto patungo sa merkado.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










