Pormal ng nanumpa bilang pinakabagong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan si Philippine Councilors League Pangasinan Chapter Vice President Carol Sison, kahapon.
Ito ay kasabay ng pagbibitiw sa pwesto ni dating Board Member at Philippine Councilors League Pangasinan Chapter President Junjun Celeste.
Ayon kay Vice Governor Mark Ronald Lambino, by successorβs rule, awtomatikong uupo ang bise presidente na siyang katauhan ni Councilor Sison.
Nanumpa si Board Member Sison kay Pangasinan Vice Governor Lambino bago ang session ng Sangguniang Panlalawigan, kahapon.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng iFM Dagupan, si Dating Board Member Celeste ay nagbitiw bilang konsehal ng Alaminos City at lumipat ng residente sa bayan ng Sual kung saan ay nagparehistro na ito bilang botante doon. |πππ’π£ππ¬π¨