CAUAYAN CITY – Inanunsyo ng Isabela Electric Cooperative 2 na hindi na matutuloy ang nakatakdang scheduled power interruption sa September 18, 2024.
Magugunita na una nang naglabas ng abiso ang National Grid Corporation of the Philippines na magsasagawa ng maintenance ang mga ito sa Gamu at Ilagan Substation.
Kabilang sa isasagawa sana sa araw na iyon ay ang pagpapalit din ng poste ng mga kuryente.
Sa isang post sa kanilang official account, sinabi ng ISELCO-2 na kanselado ang lahat ng ito kaya naman hindi na itutuloy ang power interruption sa mga bayan ng Naguilan, Benito Soliven, Gamu, San Mariano, ilang bahagi ng Burgos, at Ilagan City.
Hindi naman naidetalye kung ano ang dahilan ng kanselasyon. Gayunman, inaabisuhan ang publiko na maging handa at updated sa mga ilalabas na abiso ng kooperatiba.