𝗦𝗘𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado sa isinagawang buy bust operation ang isang Seaman sa Sta. Maria Ilocos Sur dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.

Kinilala ang awtoridad ang suspek na si Arthur Cabe, 44 anyos residente sa nabanggit na bayan.

Ayon sa pulisya, Hapon nang isagawa ang pag aresto sa suspek sa kaniyang tahanan kung saan nasa humigit kumulang isang gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kaniyang kustodiya na nagkakahalaga ng P7, 000.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Maria Police Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments