𝗦𝗘𝗞𝗬𝗨, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗡𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢

Cauayan City – Arestado ang isang sekyu matapos nitong tagain sa tenga ang mismong tiyuhin na kainuman nito sa Brgy. Dammang East, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Echague Police Station, bago mangyari ang insidente ay magkasama pang nag-iinuman ang suspek na si alyas “Tom”, 23 anyos, at ang biktimang si Anastacio Bulan, nang biglang magkainitan ang dalawa.

Pagkaraan ng ilang sandali, kumuha ng itak ang biktima at binantaan ang suspek na umalis na bago pa siya may magawang masama rito subali’t binalewala ito ni Alyas “Tom” kaya naman ibinaba nito ang itak sa lamesa at kumuha ng kahoy at inihampas kay alyas “Tom”.


Bilang ganti, kinuha naman ng suspek ang itak na noon ay nasa lamesa at tinaga nito ang biktima sa kanyang kaliwang tenga.

Dahil sa tinamong sugat kaagad na isinugod sa pagamutan ang biktima habang kusa namang isinuko ni Alyas “Tom” ang kanyang sarili sa mga awtoridad.

Facebook Comments