
Cauayan City โ Nakorner ng mga awtoridad ang isang sekyu na tulak ng ilegal na droga sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Ang suspek ay kinilalang si Alyas โJoโ, 41- anyos, residente ng Brgy. Estrella, San Mateo, Isabela.
Sa ikinasang operasyon, nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust item na isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at P1000 peso bill buy-bust money.
Maliban dito, nakumpiska rin sa kanyang kontrol at pag-iingat ang karagdagang labinlimang (15) silyadong plastic sachet na naglalaman ng parehong kontrabando, tatlong piraso ng bala ng baril, at iba pang non-drug items.
Kaagad namang dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang mga nakumpiskang ebidensya maging ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.