Monday, March 23, 2026

𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗚𝗔𝗧𝗖𝗛𝗔𝗟𝗜𝗔𝗡: 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗦, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢

Noong deliberasyon para sa 2026 national budget, mariing pinuna ni Senador Win Gatchalian ang krisis sa Occupancy Rate ng mga pampublikong pagamutan.

Binigyang-diin niya na maraming ospital ang lumampas na sa 300% ng kanilang orihinal na kapasidad—isang malubhang sitwasyon na nangangailangan ng agarang interbensyon.

Kaugnay nito, personal na binisita ng senador, kasama ang kalihim at mga opisyal ng Department of Health (DOH), ang dalawang pampublikong ospital upang suriin ang mga kakulangan sa imprastraktura at pasilidad.

Iginiit ni Senador Gatchalian ang pagpapadali sa mga mekanismo ng pondong pangkalusugan, gaya ng philhealth reimbursements, zero balance billing (ZBB) at medical assistance program upang maiwasan ang kalbaryo ng mga pasyente sa pagproseso ng tulong medikal. Aniya, dapat patuloy ang pagsusumikap na magdagdag ng mga hospital beds, modernong pasilidad, at healthcare professionals para sa bawat pilipino.

Sa ilalim ng 2026 budget, naglaan ng ₱62.7 bilyon para sa ZBB sa mga DOH hospitals, habang ₱1 bilyon naman ang inilaan para sa mga lgu hospitals.

Bilang tagapangulo ng senate committee on finance, nanindigan si Senador Gatchalian na isusulong ang sapat at tuloy-tuloy na pondo upang matiyak na ang dekalidad na serbisyo ay mananatiling abot-kaya para lahat.

Facebook Comments