
Pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na ulat na nagkaaberya umano sa landing gear ang eroplanong sinakyan ni First Lady Liza Araneta-Marcos mula Iloilo.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, maayos ang naging biyahe ng unang ginang at walang katotohanan ang naturang impormasyon.
Bukod dito, wala namang ibinigay na karagdagang detalye ang Palasyo hinggil sa isyu.
Kahapon ay nag-inspeksyon ang first lady sa nga venue na gagamitin sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Cebu, kasabay ng ilang aktibidad ni Pangulong Bongbong Marcos.
Facebook Comments










