𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Hatid sa mga residente ng bayan ng Mangaldan at San Fabian ang libreng serbisyong pangkalusugan sa pangunguna ng namumunong kongresista sa ikaapat na distrito ng Pangasinan.

Saklaw ng medical at dental mission ang check-up, bunot ng ngipin at pamamahagi ng mga gamot at bitamina.

Gaganapin ang naturang aktibidad sa Brgy. Longos sa San Fabian sa darating na April 26, mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, habang sa April 27 naman, sa Brgy. Lanas at Brgy. Palua sa Mangaldan, mula alas otso hanggang alas onse ng umaga at ala-una hanggang alas kwatro ng hapon.

Nagpapatuloy pa ang iba’t-ibang serbisyo ng tanggapan para sa mga Pangasinense sa ikaapat na distrito upang mabenipisyuhan ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments