𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗔𝗧 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔, 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang kwarenta y sais anyos na lalaki matapos makakuha ng shabu at granada sa tahanan nito sa bayan ng Sta. Barbara.

Ang suspek ay nakilalang si Domingo Balbera residente ng Barangay Payas sa nasabing bayan.

Nagkasa ng search warrant implementation ang mga kapulisan sa tahanan ng suspek pasado alas kwatro ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska sa tahanan nito ng limang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso at isang G=granada.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek na patuloy pa ring pinaghahanap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments