𝟭 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟲 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗘𝗟𝗙-𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦

Patay ang isang ginang, samantalang sugatan ang anim na kasama nito sa aksidenteng naganap sa may kahabaan Villa Verde Road, Sta. Maria East, Pangasinan.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Pulisya, lulan ng SUV ang mga biktima at binabaybay ang pataas na bahagi ng Villa Verde Road. Habang nasa bahagi ng sharp curve, nawalan ng kontrol ang driver dahilan para tumilapon sila sa daan, tumama s steel barrier at kalaunan ay nahulog sa bangin.

Nadala sa Eastern Pangasinan District Hospital Tayug ang mga biktima ngunit isa sa kasama ng mga ito ay idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments