๐—ฆ๐—ž ๐—–๐—›๐—”๐—œ๐—ฅ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—œ๐—ข, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ช๐—œ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—”๐—”๐—ž๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜

CAUAYAN CITY โ€“ Nasawi sa isang aksidente ang Sangguniang Kabataan Chairperson ng Barangay Centro San Antonio kahapon, ika-29 ng Enero sa kahabaan ng Brgy. Malalam, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Aerome Josh Cabalonga, bente -anyos, isang estudyante at residente ng Brgy. Bagumbayan sa nabanggit din na lungsod.

Ayon sa ulat ng PNP Ilagan, sakay ng isang motorsiklo, binabaybay ng biktima ang national road ng Brgy. Malalam patungong Brgy. San Antonio subalit nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, nawalan umano ng kontrol si Cabalonga dahilan upang bumangga ito sa nakaparadang sasakyan sa daan.


Dahil dito, nagtamo ito ng malalang injury at dinala sa pagamutan subalit idineklara itong Dead on Arrival ng kanyang attending physician.

Facebook Comments