Ayon kay DPWH Ilocos Region Information Officer Esperanza Tinaza, ang PHP 9.8 million water system ay naglalayong mapaganda ang accessibility at sustainability ng tubig sa nasabing lugar.
Diumano, ang tangke ng tubig ng panibagong istraktura ay kayang mapunan ng 20,000 litro ng tubig, kung saan ang supply nito ay sa pamamagitan ng 24-panel solar-powered system sa ilalim ng kalupaan.
Dagdag pa ni Tinaza, na ang nasabing proyekto ay nagpapakita na ang gobyerno ay inihahatid ang isa sa pangunahing pangangailangan ng mga residente sa nasabing barangay, at ito ay tubig. Ito rin, aniya, ay makakapag benepisyo sa mga residente, kung saan mababawasan ang kanilang konsumo sa kuryente gayundin ay makatutulong ito sa kalikasan.
Samantala, naumpisahan ang naturang proyektong noong June 2023 at natapos nitong unang buwan ng taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨