𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗢𝗟 𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Blanko pa rin hanggang ngayon ang hanay ng kapulisan sa bayan ng Binmaley sa pagkakakilanlan ng babaeng nag-iwan ng bangkay ng isang bagong silang na sanggol na iniwan sa public cemetery sa bayan.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Christopher Valerio nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay rito lalo na at malaki ang posibilidad na makilala ito base sa kuha ng CCTV sa lugar.

Naipalibing na din agad, aniya, ang nasabing sanggol na Lalaki na pinaniniwalaang bagong silang at nasa humigit kumulang 24 oras ng patay ng makita.

Pinaikutan na, ayon sa Hepe, ang lahat ng Barangay upang matukoy lamang ang pagkakakilanlan ng ginang ng sa gayon at mapanagot sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments