𝗦𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Patuloy ang pagbibigay-liwanag sa mga kakalsadahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa ilang bayan sa ilalim ng Solar Street Lights Project mula noong inilunsad ito noong nakaraang taon.

Nagsimula ang naturang proyekto noong Oktubre 2023 at mula noon hanggang ngayon ay umabot sa kabuuan na 355 solar street lights ang nakakabit dito.

Layunin ng proyekto na makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan sa mga lansangan sa pamamagitan ng pagbibigay liwanag.

Ilan sa mga bayan na nabahagian ng proyektong ito ay ang lungsod ng Urdaneta City kung saan 180 piraso ng pailaw ang inilunsad dito, kabilang din ang mga bayan ng Mangatarem na may 25 piraso; Mapandan sa bilang na 20 piraso; tig-sampung piraso sa mga bayan ng Natividad at San Fabian; Malasiqui na may 80 piraso;Binalonan na nasa 20 piraso at sa katatapos lamang na konstruksyon ng 180 piraso sa bayan ng Bayambang.

Sa kasalukuyan, walumpung solar street lights ang katatapos lamang na ikabit habang isang daan pa ang nakatakdang tapusin ang konstruksiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments