Lulan ng isang reefer van, dry transported ang stranded rough-toothed dolphin na pinangalanang βHeartβ patungo sa bago nitong tahanan sa Ocean Adventure na matatagpuan sa Subic Bay Freeport, Bataan.
Dakong alas 9 ng gabi ng February 19 nagsimula ang byahe ng transport team at nakarating ng alas 1:30 ng umaga ng February 20 sa pasilidad ng Ocean Adventure. Sa byahe ay naturukan ng pampakalma si Heart at nilapag sa mattress habang tinitignan ang respiration rate nito kada limang minuto. Kinailangan din na wisikan ng tubig alat ang mammal upang mapanatili itong basa sa buong durasyon ng byahe. Nagpasya ang tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region I na dalhin sa naturang pasilidad ang dolphin dahil sa kanilang obserbasyon ay hindi na nito kakayaning mabuhay sa wild. Si Heart ay ika-anim na marine mammal na na stranded sa Region 1 at ilipat sa Ocean Adventure.
Natagpuan si Heart noong February 14 sa bayan ng Agno at agad na nilipat sa BFAR marine mammal rehabilitation pen facility sa Cariaz Island in Hundred Islands National Park Alaminos City. Pinakawalan ang dolphin sa may Lingayen Gulf noong February 18 ngunit muling natagpuang stranded sa kahabaan ng San Fabian Beach noong sumunod na araw. |πππ’π£ππ¬π¨