𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗘𝗛𝗜𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗨𝗦𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟰𝟬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗥𝟭

Pinalalakas pa ng Department of Health Region 1 ang kanilang adhikain at pagsulong na maiangat pa ang mga estratehiya na maaaring maisagawa para maramdaman pa lalo ng mga Pilipino ang kalusugan.

Hinihikayat ngayong ng DOH R1 ang publiko na suportahan ang Health Sector 8-Point Action Agenda na binuo upang mas mapaigiting pa ang pagbibigay halaga sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Ayon sa DOH Region 1 Policy, Planning and Strategic Management Section, ang naturang strategic framework na ito ay para sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon na makamit at mapabilang ang mga Pilipino sa isa sa pinakamalulusog sa Asya sa taong 2040.

Dapat na palakasin pa umano ang primary health at lahat ng serbisyong pangkalusugan ng inihahatid ng kagawaran sa bawat komunidad sa bansa para makamit ito.

Samantala, ang naturang implementasyon ng Health Sector 8-Point Action Agenda ay nagsimula na noong 2023 kaya naman panawagan ng DOH sa publiko na makibahagi at maging maalam sa mga aktibidad na kanilang isinasagawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments