𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔, 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗣𝗕𝗕𝗠

Sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa gitna ng patuloy na nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon.

Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng kinakaharap na krisis partikular sa sektor ng agrikultura.

Aniya, bunsod ito ng mga isinakatuparang interbensyon sa mga sakahan tulad ng patubig maging ang paggamit ng makabagong mga teknolohiya upang matulungan ang produksyon ng mga ani.

Saklaw pa nito ang ipinahayag ng pangulo na mas tututukan ng administrasyon ang paglalagay ng mga solar pump sa mga upland non-irrigated areas upang mapalakas ang produksyon ng bigas sa bansa.

Sa lalawigan ng Pangasinan, nananatiling matatag ang rice sufficiency level sa probinsya at sa kasalukuyan, patuloy na nararanasan sa Dagupan City ang mababang presyo sa kada kilo ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments