𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢, 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔

Sapat ang suplay ng bigas ngayong taong 2024 sa kabila ng umiiral na epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa, ayon sa Department Of Agriculture.

Kasunod nito ang dumating nang nasa 300, 000 metric tons na bigas na nakatakdang gamitin bilang supplemental resources ngayong panahon ng El Niño.

Dagdag pa ang suplay nito ngayong buwan ng Marso dahil peak season o panahon ng anihan mula ngayong buwan hanggang sa Abril.

Inaasahan din ang pagbaba ng presyo sa kada kilo ng bigas sa merkado.

Sa Ilocos Region, nananatiling sapat ang suplay ng bigas dahil na rin sa mataas ang sufficiency rice level noong pang taong 2022. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments