𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Patuloy pa rin ang pagsuporta sa mga rice farmers o mga magsasaka sa bayan ng Manaoag sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pangangailangan ng mga ito sa kanilang pansaka.

Nito lamang, nasa higit dalawang daan o 237 na mga rice farmer sa bayan ang napamahagian ng fertilizer vouchers mula sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office.

Makatutulong ang suportang ito sa mga magsasaka nang sa gayon ay mabawasan ang mga gastusin ng mga ito pagdating sa pagtatanim ng palay.

Samantala, ipapalit naman ng mga magsasakang benepisyaryo ang naturang voucher sa mga accredited distributors para makabili naman ng bio-fertilizers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments