Sunday, February 8, 2026

𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗧𝗢𝗡𝗜𝗢, 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔!

Cauayan City – Napasakamay na ng mga awtoridad ang suspek sa nangyaring pananaga sa Brgy. San Antonio, Cauayan City matapos ang ilang araw nitong pagtatago matapos ang nangyaring insidente.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Fel”, 45-anyos, sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela matapos ang tuluy-tuloy na hot pursuit operation ng kapulisan.

Matatandaang nangyari ang insidente noong ika-3 ng Pebrero sa Brgy. San Antonio, kung saan pinagtataga ng suspek ang biktima na si Marvin Garcia sa kanyang ulo at leeg na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang ginawang krimen, kaagad na tumakas at nagtago ang suspek ng ilang araw bago ito tuluyang mahuli ng mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong Murder.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments