𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗦𝗢𝗟, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗣𝗔

On-going pa ang hot pursuit operation na isinasagawa ng Dasol Police Station sa suspek sa pananaksak sa 30 anyos na si John Richard Buaga mula Brgy. Gais Guipe, Dasol.

Ang suspek na si John Rey Buaga, nakisama muna sa inuman kasama ang biktima at tila nayamot nang marinig na tumatawa ang lolo ng biktima sa may bahay nito. Dahil dito ay binantaan ng suspek ang lolo ng biktima kaya nagtalo ang biktima at suspek. Nakuha ng suspek ang kitchen knife na malapit dito saka sinaksak sa kanang braso ang biktima.

Narekober ang kutsilyo na ginamit sa krimen. Samantalang nagpapagaling pa ang biktima at desididong kasuhan ng Frustrated Homicide ang suspek na Kasalukuyan pa ring hinahanap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments