𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗧𝗥𝗢𝗞𝗘

Nakapagtala ang transport group sa Pangasinan ng tatlong nasawing tsuper sa lalawigan dahil sa heat stroke.

Bunsod pa rin ito ng patuloy na nararanasang matinding init ng panahon lalo na at hindi nawawala ang probinsya ng Pangasinan sa nakapagtala ng matataas na heat index partikular na sa Dagupan City.

Ang tatlong nasawing jeepney drivers ay pawang dumaranas umano ng high blood.

Pinaaalalahanan ni One Pangasinan Federation President Bernard Tuliao ang mga drivers at operators sa lalawigan na magpahinga ang mga ito sa pagitan ng alas dose ng tanghali hanggang alas dos ng hapon kung saan nararanasan ang matinding sikat ng araw.

Dagdag pa niya ang pagpapakonsulta sa malapit na mga health centers lalo na ang mga tsuper na may comorbidities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments