Monday, January 19, 2026

𝗦𝗪𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗛𝗘𝗗𝗬𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗧𝗢

Nauwi sa trahedya ang masayang paliligo ng isang mag-anak sa bayan ng santa maria matapos malunod at mamatay ang isang kasamahan nila sa nasabing bayan.

Ang biktima ay nakilalang si raymundo limon residente ng bayan ng Malasiqui.

Ayon sa imbestigasyon, nagkayayaan ang biktima at mga kaanak nito na magtungo sa Agno river sa Barangay San Patricio nasabing bayan ng Santa Maria upang maligo kung saan ibigla na lang umano ang hindi makita ang nasabing biktima.

Inabot na humigit kumulang isang oras ang paghahanap sa katawan ng biktima kung saan nang ito ay matagpuan ay isinugod kaagad sa paggamutan subalit idineklarang dead-on-arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments