𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Umaabot sa humigit kumulang limang daang libong piso na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang ginang sa ikinasang buy bus operation laban dito, sa Dagupan city.

Ikinasa ang buy bust operation sa bahagi ng Bonuan Binloc dito sa Dagupan City pasado alas tres ng madaling araw kung saan ang suspek ay nakilalang si Karen Kate Sapnit, residente ng Pasay City sa Metro Manila.

Nakumpiska mula sa suspect ang anim na medium size na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 55 grams at nagkakahalaga ng ₱374,000.

Ang nasabing suspek ay kabilang sa high value target ng PNP at PDEA sa usapin ng illegal drugs, at ngayon ay nahaharap na sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments