Ramdam na ng mga mamimili sa lungsod ng Dagupan ang dagdag presyo sa mga inilalakong karneng baboy at manok sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod sa pagpasok ng holiday season.
Naglalaro sa 350 hanggang 360 pesos ang kada kilo ng karneng baboy mula sa 340 pesos na presyuhan bago pa sumapit ang holiday season.
Taas presyong lima hanggang sampung piso naman ang dagdag sa kada kilo ng produktong manok at ngayon ay naglalaro sa 180 hanggang 190 pesos.
Ayon sa mga meat vendors, ramdam na rin ng mga ito ang patuloy na pagtaas sa demand ng mga karne lalo na at ilang araw na lamang ay Pasko at Bagong Taon.
Inaasahan ng mga ito na mas dadami pa ang consumption ng nasabing produkto sa susunod na linggo ngayong buwan.
Samantala, sapat ang suplay ng mga agricultural products sa merkado tulad ng bigas, karne at gulay para sa mga gaganaping selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments