𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗬𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢 𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞

Nanaksak ang isang lalaking natalo sa pustahan sa larong bilyar sa bayan ng Santo Tomas.
Ang biktima ay nakilalang si Elvin Jhon Quiliza Habang ang suspek ay nakilalang si Mark Kevin Marzan mga residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, naglalaro ng bilyar ang suspek at pinsan ng biktima na may pustahan kung saan ay natalo ang suspect.

Sa pag – asang magbabayad ang suspek ay sinundan ito ng biktima hanggang sa kanilang bahay subalit paglabas ng suspect ay agad na sinaksak ang biktima na nagtamo ng saksak sa kanyang kaliwang kamay.
Agad namang itong isinugod sa pagamutan Habang tumakas ang suspek matapos ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments