𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Inihayag ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino na ikinatuwa nila ang pahayag ng pamahalaan na kailangan ng locally produced na asin sa Pilipinas.

Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral na 93% ng asin na kinukunsumo sa Pilipinas ay imported o ibig sabihin ay pitong porsyento lang ang locally produced.

Malaking bagay ito, ayon kay Vice Governor Lambino lalong-lalo na sa mga Pangasinense na ang asin ang ssa sa mga nangungunang produkto sa lalawigan.

Kung sakali kasi, ayon sa opisyal, inaasahang kikita ang mga Pilipino lalo na ng mga Pangasinense at malaking tulong ito sa kita ng mga Lokal na pamahalaan.

Matatandaan na target ng pamahalaan na makapag produce ng 600k metric tons na asin ngayong tao kung saan ay inaasahang mag aambag ang lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments