
CAUAYAN CITY – Buong-buo ang suporta ng Task Force-Balik Loob para sa mga rebelde na nais magbalik-loob sa pamahalaan at magbagong buhay.
Sa panayam ng IFM News Team kay Defense Affairs Undersecretary Angelito de Leon na siya ring Chairperson ng Task Force-Balik Loob, iba’t-ibang programa ang kanilang inululunsad upang mas mapalakas pa ang kampanya ng pamahalaan sa paghikayat sa mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan.
Aniya, ipinagmamalaki nito ang positibong resulta ng iba’t-ibang programa ng pamahalaan para sa mga former rebels dahil marami sa mga ito ang nasa maayos at payapa ng kalagayan matapos na sumuko.
Sinabi nito na sa tulong ng whole-of-nation approach, natulungan ang former rebels na mabigyan ng access sa iba’t-ibang serbisyong pang gobyerno, na nakatulong sakanilang pagsisimula ng panibagong buhay matapos ang magulang buhay at karanasan noong kasapi pa sa kilusan.
Patuloy naman nitong hinihikayat ang mga rebelde na hindi pa nagbabalik loob na huwag magdalawang-isip dahil handa ang pamahalaan na tulungan at alalayan sila.










