𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Timbog ang dalawang lalaki at isang babae matapos ireklamo ng isang negosyante na nagbayad ng pekeng pera sa kanilang pwestong niyugan sa Calasiao Public Market.

Ayon sa nagbabantay sa naturang pwesto, bumili umano ng asukal ang babae at lalaki habang patingin-tingin naman ang isa pang lalaking kasama ng mga ito.

Diumano, napansin ng may-ari na peke ang isang libong ibinayad ng mga ito.

Dahil dito, agad na hinanap ang mga suspek at ilang mga tindera sa palengke ang nagturo sa kinaroroonan ng mga suspek.

Agad na inireport sa pulisya ang modus ng tatlo na agad namang naaresto.

Dahil dito, nagbabala ang ilang tindera sa palengke na maging maingat sa pagsusuri ng mga perang ibinabayad, lalo na sa tuwing sumasapit ang gabi at ngayong parating na naman ang holiday season.

Nasa kustodiya na ng Calasiao Police Station ang tatlong katao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments