𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗢𝗟𝗗𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗖𝗟𝗜𝗡𝗜𝗖 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Umaabot sa humigit kumulang walumpung libong piso ang tinangay ng mga holdaper matapos holdapin ang tatlong kababaihan sa Isang dental clinic sa Urdaneta City.

Naganap ang panghoholdap sa mga biktima pasado alas tres ng hapon sa nasabing Lungsod Habang nandoon ang tatlong biktima nang dumating ang tatlong suspek at tinutukan ng baril at itinali ang mga biktima.

Nakuha mula sa mga ito ang nasabing halaga at ibat ibang mga gamit at pagkatapos ay tumakas ang mga ito sakay ng isang SUV.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad maging pag-review sa mga CCTV para sa agarang pagkaka-alam ng pagkakakilanlan ng mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments