𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗔

Nakauwi na ang tatlong mangingisdang napaulat na nawawala sa Bolinao,Pangasinan matapos pumalaot sa kasagsagan ng Bagyong Enteng.

Ang mga ito ay residente ng Balingasay, Bolinao, na pumalaot noong 1 Setyembre, kung kailan wala pang itinaas na gale warning para sa mga mangingisda.

Tumaob umano ang sinasakyang motor banca ng tatlong mangingisda matapos pumalyo ang makina habang nasa laot.

Samantala, na-rescue ang mga ito at nakauwi na noong miyerkules at nasa mabuti nang kalagayan.

Tatlo pang mangingisda ngayon ang pinaghahanap ng awtoridad na residente ng Brgy. Lucero sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments