𝗧𝗔𝗧𝗧𝗢𝗢, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗗 𝗔𝗧 𝗡𝗢𝗡-𝗨𝗡𝗜𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗡𝗘𝗟

CAUAYAN CITY- Aprubado na ng Philippine National Police ang isang kautusang nagbabawal sa mga uniformed, non-uniformed o civilian police personnel na paglalagay ng visible tattoos.

Ang kautusan ay sa bisa ng Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nito lamang March 19, 2024.

Ayon kay PNP Spokesperson, Col Jean Fajardo, kabilang sa mga tattoo na kailangang ipabura ay extremist tattoos, ethnically or religiously discriminatory tattoos, offensive tattoos, indecent tattoos, racist tattoos, sexist tattoos, at mga tattoo na rumerepresenta sa mga hindi awtorisadong grupo.


Papatawan din aniya ng kaukulang parusa ang sinumang lalabag sa inihaing patakaran ng ahensiya.

Dagdag pa dito, pinaalalahan din ni Fajardo na hindi nila tatanggapin ang mga police applicant na may tattoo. Gayunman, binibigyan naman ang mga ito ng tatlong (3) buwang palugit upang ipatanggal ang kanilang tattoo.

Facebook Comments