𝗕𝗜𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦

CAUAYAN CITY – Nagbigay babala sa mga negosyante at mga indibidwal na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang Bureau of Internal Revenue Region 2.

Ayon kay Ma. Farah Cammayao, Client Support Unit Head ng BIR R02, nagsasagawa umano sila ng monitoring at masusing pagsusuri sa mga dapat magbayad o mga inactive tax payers.

Aniya, tinitignang maigi ng ahesya ang kanilang mga rason sa hindi pagbabayad ng buwis sa tamang panahon.


Pahayag naman ni Atty. Daryl Louise Taguibao, notice at warning ang ibinibigay sa mga indibidwal, ngunit kung bigo pa rin na sumunod ang mga tax payers ay maaaring masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Samantala, hinikayat ng ahensya ang mga tax payers na magbayad ng kanilang buwis upang may magamit ang gobyerno sa kanilang mga proyekto na makatutulong sa lahat ng mamayan ng bansa.

Facebook Comments