𝗧𝗛𝗘𝗥𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

CAUAYAN CITY – Timbog ang isang street level individual matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng PNP Maddela.

Naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Ramon”, 41-anyos, therapist, at residente ng Sta. Maria, Maddela, Quirino.

Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang 3 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cellphone, isang resibo, isang itim na sling bag, at isang motorsiklo na walang plate number.


Matapos maaresto ay dinala sa himpilan ng Maddela PS ang suspek para sa dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments