𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝟯,𝟬𝟬𝟬 𝗞𝗜𝗟𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nasabat ng City Market Division at City Agriculture Office (CAO) ang mga huling fish kill o bilasang bangus sa tangkang pagpasok ng mga ito upang ibenta sa Magsaysay Fish Market.

Bago pa man madala sa consignasion ay nahinto na ito ng siyudad

Tinatayang nasa 3,000 kilos ng bilasang bangus mula bayan ng Lingayen ang nakumpiska, ayon sa cao.

Base sa pagsusuri ng CAO, ang mga isda ay unsafe for human consumption at ipinagutos na rin ng alkalde ang agaran at proper disposal para dito.

Binigyang diin din ni Mayor Belen ang istriktong pagbabantay sa mga isdang ipinapasok sa Dagupan bilang pagbibigay proteksyon sa Dagupan bangus kung saan kilala ang lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments