𝗧𝗒𝗣 𝗠𝗒𝗦𝗧 π—ͺπ—”π—‘π—§π—˜π—— 𝗑𝗔 π—₯π—˜π—•π—˜π—Ÿπ——π—˜ 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—›π—œπ—¬π—’π—‘, 𝗑𝗔𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—’ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—”π—‘π—š 𝗖𝗒𝗠𝗕𝗔𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘

 

Cauayan City – Hindi na nakatakas pa sa kamay ng mga awtoridad ang isang rebelde nang maaresto ito sa pagitan ng mga awtoridad at mga rebelde sa PeΓ±ablanca, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, ang nadakip ay kinilalang si Alyas “Carding”, 27-anyos, kaanib ng makakaliwang grupong “Giya Pang Politica”, at itinuturing bilang Top Most Wanted Individual sa buong lambak ng Cagayan.

Nang matukoy ang lokasyon ni Alyas Carding ay agad nila itong bineripeka at dito natukoy na mayroong warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kasong RA 1147 o Anti Terrorism Act of 2020 at 2 counts of Attempted Murder na kinahaharap nito.


Tagumpay naman itong naaresto ng mga awtoridad at sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng kapulisan para sa dokumentasyon.

Facebook Comments