
Cauayan City – Muling nagbigay ng karangalan sa lalawigan ng Isabela ang isang Cauayeño matapos itong makapasok bilang Top 2 National Topnotcher sa Respiratory Therapist Licensure Examination ngayong buwan ng Pebrero taong kasalukuyan.
Kinilala ang topnotcher na si Dinver Jay Pedrosa, Registered Respiratory Therapist in the Philippines (RTRP) kung saan matagumpay nitong nakuha sa exam ang 92.25% passing rate.
Si Pebrosa ay nagtapos ng Bachelor of Science in Respiratory Therapy sa Cagayan State University Andrews Campus na may Academic Distinction, na nagbigay daan sa kanyang mataas na marka sa pagsusulit.
Ang tagumpay ni Pedrosa ay itinuturing na inspirasyon sa mga kabataang nangangarap makapagtapos at makapasa sa kani‑kanilang licensing exams at maglingkod bilang mga propesyonal sa bansa.
Samantala, mayroon namang 100% national passing rate ang Cagayan State University Andrews Campus matapos makapasa ang 131 examiners mula sa paaralan sa naturang pagsusulit.
Source: RCVN
Photo credit to: Dinver Pedrosa\FB
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










