𝗧𝗢𝗣 𝟰 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗢𝗦𝗢

Cauayan City – Timbog ang isang lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad kahapon, ika-28 ng Hulyo, sa Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas Dan, binansagan bilang ika-apat sa Top Most Wanted Person sa buong Isabela sa kasong Qualified Statutory Rape na isinampa laban dito.

Nadakip ang suspek matapos itong silbihan ng mga awtoridad ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong kinakaharap nito kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Matapos ang tagumpay na pagkakadakip ay kaagad na dinala sa himpilan ng Naguilian Police Station si Alyas Dan para sa dokumentasyon bago ito tuluyang ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments