
Cauayan City – Pormal na inanunsyo ni Aurora Municipal Mayor Christian “Niño” Uy na kanselado ang taunang pagdiriwang ng Town Fiesta sa kanilang bayan ngayong taon 2026.
Sa isang video post ng alkalde, sinabi nito na pansamantala nilang kinakansela ang selebrasyon ng Town Fiesta ngayon taon bunsod ng kinakaharap na krisis sa pagtaas sa presyo ng langis at mga gastusin.
Dahil dito, sinabi ni Mayor Uy na sa halip na gamitin ang pondo sa pagdiriwang ng Town Fiesta, ilalaan na lamang nila ito sa mahahalagang programa at tulong na direktang mapapakinabangan ng mga mamamayan ng Aurora.
Sa kabila nito, hindi pa rin umano mawawala ang kanilang pasasalamat sa Poong Maykapal kaya naman isang taimtim na Thanksgiving Mass ang isasagawa upang mag-alay ng dasal at pag-asa.
Sa huli, nagpapasalamat ang alkalde sa pang-unawa ng kanyang nasasakupan sa malaking desisyon na ito para sa kanilang bayan.










