𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔, 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗧𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗟𝗔

Hindi kasali sa nagaganap na tigil pasada kahapon, April. 15 ang mga transport group sa lalawigan ng Pangasinan kasunod ng ikinasang strike ng grupong PISTON at MANIBELA.

Tuloy ang pasada ng mga pampasaherong sasakyan sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Autopro One Pangasinan Federation President Bernard Tuliao, sapat ang bilang ng mga modernized jeepneys sakaling ipatupad ng tuluyan ang PuV Modernization Program.

Sa buong Ilocos Region naman, umabot na sa 86% ang porsyento ng mga consolidated na PUVs base sa tala ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, ang deadline sa PUV Consolidation ay sa darating ng April 30 at hindi na palawigin pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments