𝗧𝗛𝗥𝗘𝗘-𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗧𝗔𝗡𝗘𝗢𝗨𝗦 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡 𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗔𝗧 𝗖𝗥𝗘𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa ang isang three-day simultaneous clean up drive sa mga ilog at creek sa ilang barangay sa Dagupan City bilang bahagi ng calendar of activities ng Bangus Festival.

Bahagi rin ito ng patuloy na pagsulong ng lungsod na masolusyunan ang problema sa pagbaha at basura.

Isa sa mga barangay binisita ng lokal na gobyerno sa pangunguna ng CIty Engineering Office ay mga barangay ng Pogo Chico at Pogo Grande kung saan nilinis ang bahagi ng Mariposa Creek sa tulong ng mga barangay councils at mga volunteers.

Samantala, tuloy pa rin ang panawagan ng lokal na gobyerno na makiisa ang publiko sa pagsulong ng proper waste management at simulant ito mismo sa kanilang mga kabahayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments