Thursday, April 9, 2026

𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗢𝗗𝗗-𝗘𝗩𝗘𝗡 𝗦

Cauayan City – Hati ang reaksyon ng ilang tricycle drivers sa lungsod ng Cauayan sa posibleng pagpapatupad ng Odd-Even Scheme sa pamamasada.

Matatandaang sa isang panayam, nabanggit ni Cauayan City Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr., na isa sa kanilang kino-konsedera ngayong panahon ng krisis sa produktong petrolyo ay ang pagpapatupad ng Odd-Even Scheme.

Sa pakikipag-ugnayan ng IFM News Team sa ilang mga tricycle drivers sa lungsod ng Cauayan, mayroong sang-ayon dito habang mayroon din ang hindi pabor sa pagpapatupad nito.

Katulad na lamang ni Ginoong Tirso Baccay na hindi pabor sa posibleng hakbang na ito dahil aniya, wala din namang gagawin ang mga tricycle drivers kapag nahinto sa pamamasada.

Hindi rin sang-ayon dito si Ginoong Emerson Baccay dahil naniniwala ito na kapag araw-araw ang pamamasada, kahit papaano ay may maiuuwi pa rin sa kanilang mga pamilya. Hindi aniya siya sang-ayon sa Odd-Even Scheme lalo na at marami sa mga tricycle drivers ang walang ibang pagkakakitaan maliban sa pamamasada.

Samantala, naniniwala naman si Ginoong Henry Baccay na mas mabuting subukan ang ganitong hakbang at tingnan kung mayroong magandang epekto sa kita ng mga tricycle drivers. Lalo pa at dati na umano itong naipatupad noong panahon ng pandemya kung saan naging epektibo naman upang kahit papaano ay kumita ang mga namamasada.

Samantala, kahapon lamang ay natanggap naman ng mga tricycle drivers ang ipinangakong P5000 na tulong sa kanila ng DSWD.

Facebook Comments