Timbog ang isang tricycle driver sa Dagupan City matapos itong mahuli sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan Provincial Office (PDEA-PANGPO) at Dagupan City Police Station.
Ang suspect ay isang 37 anyos na lalaki at residente ng Bacayao Norte sa lungsod.
Nakuha sa suspek ang isang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa 1.5 grams at nagkakahalaga ng P8,000. Sasampahan ang suspek ng kasong Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA Pangasinan Provincial Office jail facility sa Urdaneta City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments