Monday, May 11, 2026

DTI, nagbabala laban sa mga hoarder at mananamantala sa presyo ng bilihin dahil sa Middle East crisis

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyanteng mananamantala sa nangyayaring krisis dulot ng tensiyon sa Middle East.

Ayon sa DTI, maaaring maharap sa hanggang 15 taon ng pagkakakulong o multa na aabot sa ₱2 milyon ang retailers na mapapatunayang sangkot sa hoarding at profiteering ng mga essential goods.

Sa harap ito ng posibleng taas-presyo sa ilang produkto dahil sa walang prenong oil price hike.

Bago niyan, sinabi ni DTI Secretary Cristina Roque na sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin sa bansa na inaasahang tatagal ng hanggang dalawang buwan.

Ayon sa Trade Department, ang price manipulation gaya ng hoarding ay maituturing na paglabag sa Price Act at iba pang batas.

Facebook Comments