𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

 

Cauayan City – Timbog ang isang tricycle driver matapos itong magpositibo sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust operation sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Ang suspek ay kinilala sa pangalang si alyas “Lewis”, at kabilang sa listahan ng Street Level Individuals.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang tunay na 1000 peso bill na siyang buy-bust money, cellphone, pitaka na naglalaman ng cash at mga ID, lighter, at motorsiklo.


Matapos ang isinagawang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya dinala ang mga ito at ang suspek sa himpilan ng Roxas PS.

Samantala, nakatakdang maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments