𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗡𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗟𝗟𝗘𝗧 𝗧𝗢𝗬 𝗚𝗨𝗡

Binantaan umano ng 39-anyos na tricycle driver kinilalang si Joel Austria ang kapwa nito tricycle driver Patrick Maynigo, pawang mga residente ng Dagupan City.

Nangyari ang insidente sa tapat umano ng isang bus terminal habang sakay ni Maynigo ang live -in partner at tatlong taong gulang nilang anak nang bigla umano siyang sigawan ng suspek at nagsabi na butasin ang noo nito habang tila may binubunot sa baywang.

Sa takot ng biktima ay pinaandar nito palayo ang tricycle ngunit sinundan pa umano siya ng suspek.

Naaresto ng awtoridad na nagkataong nagmamanman sa lugar at nakumpiska sa suspek ang pellet toy gun. Haharap naman sa kaukulang kaso ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments